Mga kababayan, mag usap tayo.
Balikan natin sandali ang mga pangyayari sa ating bansa. Una napakalakas ng sigaw natin noong unang Edsa revolution. Patalsikin si Makoy. Tama na Sobra na. Enough is enough...Gusto namin ng pagbabago. Kaya ayun napatalsik natin ang rehimen ni makoy. Kauupong kauupo pa lang ni cory aba nag rally na agad sa Mendiola...Gusto namin ng pagbabago.Naka ilang kudeta ba? Di ko na kasi matandaan. Hindi naman napatalsik si cory. Natapos ang termino nya. Pumalit naman si ramos. Marami ding ayaw sa kanya pero hindi sila makaporma eh. Pagbabago din ang sigaw nila halos araw araw. Natapos naman ang termino ni ramos. Nahalal naman si erap..sobrang dami ng bumoto sa kanya..sabi nila. Eto na sagot sa sigaw natin na pagbabago...Pero may mga hinde masaya sa pagkapanalo nya kaya nag edsa rebolusyon na naman sila. Napatalsik nila si erap...ang pinaupo nila si gloria....aba mukhang gusto nila si gloria...Pero teka may nagsisigawan na naman ng pagbabago...nag edsa rebolusyon naman sila..ikinulong nila si gloria sa hospital.haggang ngayon. Pina upo naman nila si pnoy...baka eto na hinahanap nating pagbabago...mga kababayan meron namang pagbabago kasi tumaas ang ekonomiya ng bansa at unti unting nakaahon ang bansa. Pero marami pa ring anumalya at marami pa rin ang hindi masaya. Ngayon, ilang araw na lang matatapos na ang termino ni Pnoy..ang isinisigaw nila pagbabago na naman. Mga kababayan, may problema eh. Sigaw tayo nang sigaw ng pagbabago. Naka ilang namuno na sa ating bansa. Pagbabago pa rin ang isinisigaw natin. Hindi ba dapat na at panahon na para tayo ang magbago? Magtulungan tayo na baguhin ang sistema.Mag umpisa sa bawat isa? Kahit gaano kagaling o kahit gaano katapang ang mamuno sa ating bansa balewala dahil lalamunin lang ito ng sistema...Bigyan sana natin ng halaga ang kapakanan ng mga darating pang henerasyon na huwag na nilang manahin ang bulok na sistema ng bansa sa kasalukuyan....yun lang kababayan... Mabuhay ka.
No comments:
Post a Comment